Paano Malalaman kung Gusto Kang Halikan ng Kausap (o fini-flirt) Mo

Una, kapag magkausap kayo at naka-tilt ang leeg niya habang kinakausap ka niya. Para bang pinapakita yung leeg niya. Pangalawa, kapag naka-lean forward siya sa’yo. Pangatlo, kapag nakita mo siya na nagnanakaw ng sulyap sa labi mo.

Ang diskarte diyan, gayahin mo siya. Una, mag-lean forward ka din sa kanya sabay tilt ng leeg mo na opposite ng kanya. Kung naka-tilt siya pakaliwa mo, gawin mo ito pakanan. Kung pakanan naman siya, gawin mong pakaliwa ‘yung sa’yo. Pangalawa, tingnan mo ang kaliwang mata niya, tapos kanan, at huli ang labi. Siguraduhing mapapansin niya ito. Pangatlo, medyo komplikadong technique. Kailangan magka-match muna ang tempo at rhythm ng pagsasalita ninyo. Kung masyado pa siyang mabilis magsalita, i-match mo muna. Kapag nakuha mo na, saka mo siya i-lead pabagal… ng pabagal….. ng pabagal…….

PS: Huwag maging abusado sa technique na ito. Baka mawili.