Showing posts with label diskarte tips. Show all posts
Showing posts with label diskarte tips. Show all posts

"Ligaw" - sa paniniwala ko, ginagamit ang term na ito kapag ipinapakita ang best side mo lamang. Ipinapakita lang ang magaganda at hindi ang mga hindi ka-aya-aya. Dahil dito, si manliligaw ay naghahangad ng kapalit -- matumbasan o masuklian ang bagay na ginagawa niya para sa nililigawan. Ibig sabihin, si manliligaw ay may 'agenda'. Kung anuman iyon, nasa sakanya na iyon.

Halimbawa na lang, "May nililigawan akong kliyente ngayon. Paniguradong kikita ako ng malaki kapag naging maayos ang usapan namin." Diba? Si manliligaw ay mayroong 'agenda' (ang kumita ng malaki) kaya siya nanliligaw.

Kaya hindi talaga ako naniniwala sa ligaw. May mga tao kasi na nagpapaka-"plastik" kapag 'nanliligaw'.

Minsan, mahirap talagang pigilin ang kilig. Mayroong tamang skill para magawa ito. Kung hindi mo na talaga kaya, sige lang ilabas mo lang ang kilig mo! Mahirap na, baka maihi ka pa sa shorts.

Hindi nakakabawas ng pagka-lalaki ang pagkukunwaring bading. In fact, gusto ng mga babae ang bading dahil nagtataglay ito ng kakaibang sense of humor (at syempre, nagkakaintindihan sila. Alam mo na 'yun). Pansinin mo, gusto ng mga babae na may kasamang bading sa grupo, sa organization o kung anumang barkadahan.

So, ang tip natin for today, magkunwari kang babadaf-badaf. Gumamit ng mga expressions tulad "echos", "keber", "waley", "boylet" etcetera. Uulitin ko, hindi ito nakakabawas ng pagka-lalaki. Nakakadagdag ito ng attraction sa mga babae.