"Ligaw" - sa paniniwala ko, ginagamit ang term na ito kapag ipinapakita ang best side mo lamang. Ipinapakita lang ang magaganda at hindi ang mga hindi ka-aya-aya. Dahil dito, si manliligaw ay naghahangad ng kapalit -- matumbasan o masuklian ang bagay na ginagawa niya para sa nililigawan. Ibig sabihin, si manliligaw ay may 'agenda'. Kung anuman iyon, nasa sakanya na iyon.
Halimbawa na lang, "May nililigawan akong kliyente ngayon. Paniguradong kikita ako ng malaki kapag naging maayos ang usapan namin." Diba? Si manliligaw ay mayroong 'agenda' (ang kumita ng malaki) kaya siya nanliligaw.
Kaya hindi talaga ako naniniwala sa ligaw. May mga tao kasi na nagpapaka-"plastik" kapag 'nanliligaw'.
Labels: diskarte tips
Masakit naman talaga magmahal eh. Hindi maipagkakaila 'yan. Pero sa lahat ng masakit, ito ang pinaka-masarap. Hindi sa lahat ng panahon ay puro saya ang iyong mararamdaman. Makakaramdam ka din ng sakit. Pero magical, kasi mas matimbang ang sarap kaysa sa sakit.
Parang pagpapa-tattoo. Masakit, pero nakaka-adik. At pagkatapos ng sakit, nagkakaroon ng magandang bunga. Kung ayaw mo'ng masaktan, huwag ka na lang magpa-tattoo. At kung ayaw mo'ng masaktan, huwag ka na lang magmahal.
Labels: love life
Maraming magagandang babae sa paligid at normal lang napatingin ka sa kanila. Ang importante, ang pinakamagandang binibini sa iyong mata ay ang taong iyong sinisinta.
Labels: love life
Malungkot ka nga, makikinig ka pa ng mga malulungkot na kanta. Lalo ka lang malulungkot niyan. Try mo na makinig ng mga upbeat at masasayang kanta. Sinusundan ito ng utak natin, sunod ng katawan natin. Kapag malungkot ka at nakikinig ka ng upbeat at masasayang kanta, kahit paano nawawala ang lungkot mo. Ito ang tinatawag na "pattern interrupt". Huwag mong gagawin ang tip na ito kung ayaw mo na maging masaya.
Labels: NLP
Sabi nila, kung mahal mo daw, ipaglalaban mo. Palagay ko, kulang iyon. Dapat ipaglaban mo na maging masaya siya, hindi ang maging masaya ka. Selfish kang nagmamahal kung sariling kasiyahan mo lang ang iniisip mo.
Labels: love life


