Kapag may nakausap ka na celebrity, kahit sobrang sikat pa niya o hindi, malamang sa malamang, kahit hindi niya sabihin, gusto niyang malaman mo na celebrity siya. HUWAG mong tatanungin, “celebrity ka diba?” Lalaki ang ulo niya. HUWAG mo din i-oopen up. Hayaan mo na siya ang mag open up (o kung sino man ang kasama ninyo), saka mo tanungin, “Talaga, celebrity ka? Saan ka lumalabas?” Dagdagan mo pa ng “Pasensiya na ah, hindi kasi ako familliar eh.” Kapag nasabi mo ‘yan sa ganyang sitwasyon, nasa iyo ang alas.
