Kapag may celebrity na pumasok sa restaurant o bar o conference room o kahit saan man na nandoon ka at madaming iba pang tao, tingnan mo lang siya ng isang beses at dedmahin mo na. Panigurado, lahat ng lalaki sa lugar na iyon, nagkakandarapa makalapit sa kanya at naglalaway kakatitig sa kanya. Sanay na ang mga celebrity sa ganoong sitwasyon. Kapag dinedma mo lang siya at tinuring na parang normal na tao lang, mapapansin ka niya kasi IKAW LANG ang tao na HINDI tingin nang tingin sa kanya.