Ano, hanggang tingin ka na lang? Mag-isip-isip ka kapatid. Maraming umaaligid sa kanya. Bukas makalawa, baka naunahan ka na ng iba. Ikaw din.
Quick Tip After Getting Someone's Number
Huwag agad magtext. Maghintay ng ilang oras o isang araw. Pero hangga't maari, huwag text lang - tawagan mo. Importante pa din ang "first impression" niya sa'yo.
Reason Behind: Magtataka siya kung bakit mo hiningi ang number niya pero hindi ka naman nagtetext o tumatawag. The more na nagtataka siya, the more na iniisip ka niya. At the more na iniisip ka niya, the more na naaattract siya sa'yo.
Labels: PUA tips
Quick Tip on How to Attract a Woman
Neg (verb. PUA term) Disregarding yourself as a potential suitor.
Galing ito kay Method - the world's greatest Pick-Up Artist. Plain and simple principle. Kung hindi ka mukhang may gusto sa isang babae, mas lalo siyang na-aatract sa'yo.
Labels: Flirting Tactics, PUA tips
Tips on How to Get a Number Quickly
1. Select a target.
2. Attract her. Use mirroring, leading and pacing techniques.
3. Isolate the target.
4. Do the approach.
5. Demonstrate value.
6. Let her put her number in your phone.
7. Leave the area.
Labels: Flirting Tactics, PUA tips
Labels: motivation
Gusto mo na miss ka din niya?
Bakit ganoon? Hindi kasi nareregister sa subconscious mind ng tao ang mga salitang Don’t, Never, Not. Sa Tagalog, hindi naman nareregister ang Huwag at Hindi. Kahit na pumapasok ito sa conscious mind, hindi naman ito pumapasok sa subconscious mind. Pansin mo, kapag sinabi mo sa bata na ‘Huwag kang lalabas ng bahay’, magpupumilit ‘yan na lumabas ng bahay.
Kapag sinabihan mo ang babae/lalaki na type mo ng, ”Huwag mo akong masyadong mami-miss” at the back of her/his mind, lalo ka niyang mami-miss. At ang matindi, kung gusto mo siya na ma-inlove sa’yo sabihan mo ng “Huwag kang ma-iinlove sa akin ha.”
P.S. Please, huwag mo’ng ipabasa ito sa kahit kanino. Baka madaming maka-alam ng technique na ito.
Labels: Flirting Tactics, NLP, persuasion, PUA tips
On the other hand, “The best way to a woman’s heart is through her lips.” Hindi ibig sabihin na kailangan halikan mo siya. Ang ibig sabihin nito, kailangan marunong ka’ng magpatawa o kaya mo siyang pangitiin sa kahit anong paraan. Madaling naaattract ang babae sa lalaki na may sense of humor.
Labels: diskarte tips
Labels: motivation, torpe
Labels: diskarte tips, Flirting Tactics
Labels: diskarte tips
Kapag dumating ang pagkakataon na ‘yun, kausapin mo na! (Kung gusto mo ng tips and techniques para mawala ang kaba mo, click here). Walang mawawala. Hindi natin alam, baka ito na ang “simula” ulit.
Take it from me, kapatid. Ilang linggo akong hindi nakatulog kakaisip kay “Miss Tapsi”.
June 17, 2011, Friday, bandang 10:30pm-11:00pm nang una kong makita si Miss Tapsi. Kung familiar ka sa “Tapsi” (na kainan sa araw at inuman sa gabi) sa Asturias malapit sa UST, doon ko siya unang nakita. Alam mo na siguro kung bakit ‘yun ang bansag ko sa kanya. Kitang kita ko siya sa kabilang table. Halos magkaharap kami. Madami akong kasama, ganun din siya. Hindi ko mabilang kung ilang beses kaming nagkatitigan! Ang matindi, sampung segundo siguro kada titig. Minsan siya ang nauunang kumalas ng titig, minsan ako. Matagal ‘yun! Halos dalawang oras na puro ganoon lang. Halos dalawang oras na sobrang gustong gusto ko siyang lapitan at kausapin… pero hindi ko nagawa. Nang paalis na sila, nauna ang mga kasama niya at huminto siya sandali malapit sa akin habang nagtetext. Hindi ko man lang nakausap! Sayang ang pagkakataon. Sobrang sayang. By the way, naka uniform siya ng UST nang makita ko. AB din. Kaparehas ng college ko.
Naisip ko na bumalik sa lugar na iyon tuwing Friday. Baka kasi matyempuhan ko siya ulit. Kaya lang, nagkataon na kung hindi umuulan o bumabagyo noong mga sumunod na Biyernes, ay nasa ibang lugar naman ako para sa trabaho ko. Sa madaling salita, hindi na ako nakabalik ulit. Dahil diyan, ilang linggo din akong may LSS sa kanta ni Katy Perry at Timbaland na “If We Ever Meet Again”.
Buti na lang, nang minsang mapadaan ako ulit sa UST, may nakasalubong ako na namumukhaan ko na kasama ni Miss Tapsi noong unang nakita ko siya! Ngayon, nabigyan ako ng clue kung paano at anong araw ko siya makikita ulit.
Kung matutulungan mo ako na i-reblog ito, ngayon pa lang, sobrang nagpapasalamat na ako. Baka sa sakali lang na mabasa niya ito at ma-realize niya na siya ang tinutukoy ko. Gusto ko lang siyang makita ulit at makausap - bagay na hindi ko nagawa noong June 17, 2011.
Labels: Tapsi, torpe, uncategorized, UST
Labels: motivation
Magkaiba ang sinasabi ng bibig kaysa sa totoong naka-register sa subconscious mind. Classic example na lang. Pansin mo, karamihan ng mga sinasabi mo na hindi mo na gagawin, kadalasan ay ginagawa mo pa ulit? Halimbawa, “Hindi na ako magyoyosi.” “Hindi na ako iinom,” “Hindi na ako mambababae.” “Hindi na ako manlalaki.” “Hindi ko na siya itetext.” “Hindi ko na titingnan ang facebook niya.” Ibig sabihin, kahit sabihin pa niya na “hindi na mauulit ang nangyari sa atin” deep inside, gusto pa din niya at hahanap-hanapin pa niya. So, stay put ka lang diyan. Siya ang kusang lalapit sa’yo.
Labels: diskarte tips, r18
Paano Malalaman kung Gusto Kang Halikan ng Kausap (o fini-flirt) Mo
Ang diskarte diyan, gayahin mo siya. Una, mag-lean forward ka din sa kanya sabay tilt ng leeg mo na opposite ng kanya. Kung naka-tilt siya pakaliwa mo, gawin mo ito pakanan. Kung pakanan naman siya, gawin mong pakaliwa ‘yung sa’yo. Pangalawa, tingnan mo ang kaliwang mata niya, tapos kanan, at huli ang labi. Siguraduhing mapapansin niya ito. Pangatlo, medyo komplikadong technique. Kailangan magka-match muna ang tempo at rhythm ng pagsasalita ninyo. Kung masyado pa siyang mabilis magsalita, i-match mo muna. Kapag nakuha mo na, saka mo siya i-lead pabagal… ng pabagal….. ng pabagal…….
PS: Huwag maging abusado sa technique na ito. Baka mawili.
Labels: diskarte tips, Flirting Tactics, persuasion, PUA tips
Labels: love life, motivation
Sabi nga ni Mark Twain, “Twenty years from now, you will regret the things you did not do, rather than the things you did.”
Labels: motivation
‘Di bale nang ayawan ka niya sa kung-sino-ka kaysa magustuhan ka niya sa hindi-naman-talaga-ikaw.
Labels: torpe, uncategorized
So, ano pa’ng hinihintay mo? Batiin mo na siya. Kung naghihintay ka ng sign, hindi pa ba sign yung kinikilig ka kapag nakikita mo siya?
Labels: motivation
Kapag kausap mo siya, dalasan mo ang pagbanggit ng pangalan niya, lalo na kung importante yung sasabihin mo. Pero huwag naman every sentence. OA na ‘yun. Bawat isa sa atin, favorite word ang sariling pangalan natin. Kapag nagamit mo ito ng tama, magiging connected siya sa’yo hindi lang sa conscious mind, kundi pati sa subconscious mind niya (na mas powerful).
So ano, try mo na!
Labels: persuasion, PUA tips
Take advantage kapag pinanganak kang gwapo o maganda. Hindi lahat ay binigyan ng ganyang biyaya. Huwag mo lang abusuhin.
Labels: motivation
Paano Manghingi ng Cellphone Number
Hingin mo lang ang number niya kapag patapos na ang pag-uusap ninyo or paalis na ang isa sa inyo. Iabot mo ang cellphone mo sa kanya at saka mo sabihin na “Save mo na lang number mo.” Patok ang confidence level mo niyan sa kanya. Pero kapag sinabi mo na, “Pwede ba mahingi ang number mo?” Medyo bababa bigla ang confidence level niyan. Okay na nung una na kinausap mo muna eh.
Swerte mo kapag hindi mo na kailangan pa’ng hingin ang number niya - dahil siya na mismo ang nagbigay o nauna niyang hiningi ang number mo. Ibig sabihin, you did a good job. Pasado ka sa kanya.
PS: Kung kinakailangan patagalin ng konti ang paghingi ng number niya, okay lang. Basta hanggat magkasama kayo.
Labels: diskarte tips, PUA tips
Labels: motivation, torpe
Labels: diskarte tips, Flirting Tactics, torpe
Try mo’ng kausapin. Wala namang mawawala (baka magkaroon ka pa). Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Baka ma-analysis-paralysis ka at maunahan ka pa ng iba. Sige ka, ikaw din.
PS: HUWAG NA HUWAG ipapahalata na may gusto ka sa kanya.
PS sa PS: Check out mo ito. Magagamit mo din.
Labels: diskarte tips, PUA tips
Para sa mga kababaihan: Ang lalaking natotorpe, hindi makatingin sa’yo ng derecho kapag kausap mo.
Para sa mga kalalakihan: Tumingin ka sa kanya ng derecho para hindi niya mahalata.
Labels: diskarte tips, PUA tips
Labels: diskarte tips, social media tips
Labels: diskarte tips, PUA tips
Labels: diskarte tips, torpe
Ang lalaki, pag-punta niyan sa isang lugar, kaya niyang magdesisyon agad-agad kung sino ang gusto niyang babae. Sa physical aspect kasi ito unang tumitingin. Ang babae, iba naman. Maproseso. Maraming ka-ekekan ‘yan. Kailangan muna niyang marinig magsalita ‘yung lalaki, or at least makausap man lang niya, bago siya makapag-desisyon kung gusto niya ito. Medyo less factor kasi sa kanila ang physical aspect. (Ito ay in majority. Hindi ko sinasabi na lahat, kasi may mga tao na kabaliktaran naman. Mas mataas ang opposite sex hormones nila sa normal.)
Kaya huwag ka’ng magtataka kung may mga magagandang chick na medyo olats ‘yung boyfriend. Ibig sabihin, may matinding proseso na pinag-daanan ‘yung lalaki o magaling lang talaga siya sa communication skills. Kung pogi ka naman at wala kang chicks, mag-isip-isip ka.
Labels: diskarte tips, PUA tips
Labels: PUA tips
Labels: uncategorized
Labels: diskarte tips
Ang mga ubod ng ganda na babae (e.g. Sam Pinto o Marian Rivera o Megan Fox na tipo), sanay na sila na nasasabihan o nakakarinig sila na ng compliment na ‘ang ganda nila’. Simula bata pa sila naririnig na nila ‘yun. Kapag sinabihan mo din siya ng ganun, kagaya ng mga ibang tao at lalaki na nagsasabi din sa kanila, dagdag points sa kanya. Pero sayo, wala. Dinagdagan mo lang ang ego niya. Talo ka niyan.
Kapag may sobran-ganda- na-ang-sarap-titigan-at-nakakabaliw na babae na nakilala mo o pinakilala sa’yo, HUWAG NA HUWAG mo siyang sasabihan na ang ganda niya. Hanggat maaari at maging observant ka sa kanya nang hindi niya nahahalata at pansinin mo ung mga flaws niya. Saka mo siya hiritan. Dapat pabiro, magalang at friendly yung tono ng pananaliita mo. Halimbawa, may nakita ka na - “Uy, meron ka palang flabs sa braso. Halata ‘pag kumakaway ka.” o kaya, “May mga kaunting wrinkles ka pala.” at kung anu-ano pa na mapapansin mo sa kanya.
Kung mayroon ka namang kaibigan na sobran-ganda- na-ang-sarap-titigan-at-nakakabaliw na ang tagal ninyong hindi nagkita, at ngayon ay nagkita kayo ulit, ito ang pinakamatinding hirit, “Parang medyo nadagdagan ka ng timbang ngayon ah. Nagpapataba ka ba?” Karamihan ng mga magagandang babae, ayaw nilang tumaba.
Kapag nagsabi ka sa kanila ng kakaiba, eh di nag stand out ka. Hindi ka lang yung normal na lalaki na magsasabi ng, “Ang ganda mo naman.” At dahil nag stand out ka, mapapansin ka niya. At kapag napapansin ka niya, may posibilidad na magustuhan ka din niya.
Labels: PUA tips, street smart
Sa pagkaka-alam ko, hindi lang babae ang pwedeng magpakipot. Try mo din. Hindi porke’t pakipot ka ay torpe ka na.
Labels: diskarte tips, PUA tips
Labels: motivation, torpe
Ang babae, nagbibigay ‘yan ng hint kapag may gusto ‘yan sa’yo. Kadalasan nga lang ay very subtle at hindi mo mahahalata. Ito ang ilang halibawa:
1. Kapag nasa paligid ka at medyo nag-aayos siya ng buhok. Gusto kasi ng babae na maganda siya sa paningin mo.
2. Habang nag-uusap kayo, nata-touch o/at nakakamot niya ang kanyang kamao at braso. Ganun talaga.
3. Yung mga babae na mahiyain, hindi makatingin sa’yo nang matagal. Yung mga hindi mahiyain, kaya kang titigan nang matagal.
4. Madami pa’ng iba. Abanangan mo na lang ang mga sunod na posts.
Kapag napansin mo na mayroong mga ganitong senyales (at type mo naman siya), Mag-damoves ka na. May binabagayan ang “mahiyain effect” sa lalaki. Kadalasan nga lang, hindi bagay at turn off sa babae. So, tanggalin mo na ang hiya mo at baka maturn off pa siya sa’yo.
Labels: PUA tips
Labels: diskarte tips, social media tips
Labels: diskarte tips, street smart
Labels: diskarte tips, street smart
Labels: diskarte tips, street smart
Labels: motivation
Labels: diskarte tips, street smart
Labels: motivation
1. Good grooming ka dapat! Ayusin mo naman ang porma mo. Hanggat maaari, may kwelyo dapat ang suot mo (polo, long sleeves, etc). Kung naka t-shirt ka man, hanggat maaari, kaunti lang ang design ng t-shirt mo at mayroon kang KAUNTING bling-bling sa leeg. Medyo linisin din ang sapatos. Kung kinakailangan, mag-pabango ka din. In short, kailangan presentable ka. Tumingin ka na lang sa internet ng mga presentable fashion statements.
2. Hinga ng malalim ng 3-5 times. Nakakatanggal ito ng kaba. Nagsusupply ito ng mas madaming hangin na kinakailangan para ma-regulate ang tibok ng puso mo at ng takbo ng dugo sa katawan mo.
3. Be confident, pero huwag sobra. Nakaka-attract sa babae ang confidence ng isang lalaki - pananalita, kilos, gestures, body language etc. Mas gugustuhin nilang kausap ang confident na lalaki kaysa sa aanga-anga. Tandaan, huwag sobrahan.
4. Hindi na uso ang mga pick-up lines. Kapag mag aaproach ka ng babae, kahit ano pwede mong sabihin sa kanya (pwera lang siyempre ang kabastusan). Halimbawa: “Ang ganda ng tattoo mo ah. Saan mo pinagawa?” O kaya, “Excuse me, alam mo ba kung saan ang daan papuntang [insert location here]?” Kahit alam mo naman talaga. Pwede din, “Excuse me, pwede bang makisindi?” (kung nagyoyosi kayo parehas). Madaming paraan ng opener sa pag aapproach. Abangan na lang ang mga susunod kong posts.
5. Utang na loob, matuto kang MAGPATAWA! Gusto ng mga babae yung mga lalaki na npapatawa sila - nakakagaan kasi sa pakiramdam nila iyon. Kung pinanganak kang korni, kailangan mo ng matinding practice.
Labels: diskarte tips
Labels: diskarte tips
Labels: PUA tips
Labels: diskarte tips, Flirting Tactics
Labels: diskarte tips, PUA tips
Labels: PUA tips
Labels: diskarte tips, PUA tips
Kapag may makakasalubong na chick na may kasamang lalaki, tingnan muna sa mata ang lalaki. Kapag nakatingin sa’yo, huwag mong tingnan ng malanding tingin ang babae. Malamang sa malamang, nag-aabang ‘yun ng umi-spot sa girl niya. Kapag hindi siya nakatingin, ‘yun na ang pagkakataon mo na tingnan as malagkit as you can ang babae.
Labels: diskarte tips