Ang lalaki, pag-punta niyan sa isang lugar, kaya niyang magdesisyon agad-agad kung sino ang gusto niyang babae. Sa physical aspect kasi ito unang tumitingin. Ang babae, iba naman. Maproseso. Maraming ka-ekekan ‘yan. Kailangan muna niyang marinig magsalita ‘yung lalaki, or at least makausap man lang niya, bago siya makapag-desisyon kung gusto niya ito. Medyo less factor kasi sa kanila ang physical aspect. (Ito ay in majority. Hindi ko sinasabi na lahat, kasi may mga tao na kabaliktaran naman. Mas mataas ang opposite sex hormones nila sa normal.)

Kaya huwag ka’ng magtataka kung may mga magagandang chick na medyo olats ‘yung boyfriend. Ibig sabihin, may matinding proseso na pinag-daanan ‘yung lalaki o magaling lang talaga siya sa communication skills. Kung pogi ka naman at wala kang chicks, mag-isip-isip ka.