Kapag pinakita mo sa kanya ang "best foot forward" mo sa umpisa pa lang, dadating ang mga araw na mag-eexpect siya na lagi ka'ng ganoon sa lahat ng oras at panahon. Kapag dumating ang panahon na iyon, madi-disapppoint lang siya sa'yo kapag hindi mo nakamit ang expectations niya.

Kaya, sa simula pa lang, ipakita mo na lahat ng kalokohan at "bad side" mo. Kapag natanggap ka niya sa phase na iyon, mas madali ka na niyang maiintindihan in the long run.

"Ligaw" - sa paniniwala ko, ginagamit ang term na ito kapag ipinapakita ang best side mo lamang. Ipinapakita lang ang magaganda at hindi ang mga hindi ka-aya-aya. Dahil dito, si manliligaw ay naghahangad ng kapalit -- matumbasan o masuklian ang bagay na ginagawa niya para sa nililigawan. Ibig sabihin, si manliligaw ay may 'agenda'. Kung anuman iyon, nasa sakanya na iyon.

Halimbawa na lang, "May nililigawan akong kliyente ngayon. Paniguradong kikita ako ng malaki kapag naging maayos ang usapan namin." Diba? Si manliligaw ay mayroong 'agenda' (ang kumita ng malaki) kaya siya nanliligaw.

Kaya hindi talaga ako naniniwala sa ligaw. May mga tao kasi na nagpapaka-"plastik" kapag 'nanliligaw'.

Masakit naman talaga magmahal eh. Hindi maipagkakaila 'yan. Pero sa lahat ng masakit, ito ang pinaka-masarap. Hindi sa lahat ng panahon ay puro saya ang iyong mararamdaman. Makakaramdam ka din ng sakit. Pero magical, kasi mas matimbang ang sarap kaysa sa sakit.

Parang pagpapa-tattoo. Masakit, pero nakaka-adik. At pagkatapos ng sakit, nagkakaroon ng magandang bunga. Kung ayaw mo'ng masaktan, huwag ka na lang magpa-tattoo. At kung ayaw mo'ng masaktan, huwag ka na lang magmahal.

Maraming magagandang babae sa paligid at normal lang napatingin ka sa kanila. Ang importante, ang pinakamagandang binibini sa iyong mata ay ang taong iyong sinisinta.

Malungkot ka nga, makikinig ka pa ng mga malulungkot na kanta. Lalo ka lang malulungkot niyan. Try mo na makinig ng mga upbeat at masasayang kanta. Sinusundan ito ng utak natin, sunod ng katawan natin. Kapag malungkot ka at nakikinig ka ng upbeat at masasayang kanta, kahit paano nawawala ang lungkot mo. Ito ang tinatawag na "pattern interrupt". Huwag mong gagawin ang tip na ito kung ayaw mo na maging masaya.