Sabi nila, kung mahal mo daw, ipaglalaban mo. Palagay ko, kulang iyon. Dapat ipaglaban mo na maging masaya siya, hindi ang maging masaya ka. Selfish kang nagmamahal kung sariling kasiyahan mo lang ang iniisip mo.

Peacocking - pagsusuot ng isang bagay that will make you stand out.
example: shades sa gabi (o sa dilim), cowboy hat, glow in the dark na bling-bling, nail polish etc.

Kapag stand out ka, mas mapapansin ka.

The more na iniisip mo kung ano ang sasabihin mo sa kanya, the more na hindi ka makakapagsalita. The more na hindi ka nakakapagsalita, the more na nasasayang ang oras at the more na hindi siya na-aattract sa'yo.

Ano nga ba ang dapat sabihin sa kanya, kung gusto mo'ng mag-approach ng isang babae (o kahit magkaroon ng small talk)? Simple lang. Anything under the sun. Pero ang mga effective ay:
1) Something na tungkol sa lugar kung nasaan kayo at 2) Something na tungkol sa kanya. Let spontaneity flow. 

Kung natatakot ka, lagi mo'ng tatandaan na "fear is just a state of mind". At dahil state of mind ang fear, kayang kaya mo itong i-shift into something positive. Your inner world creates your outer world, kaya kapag natatakot ka, nagma-manifest ito sa nagiging kilos mo.

Ang point lang naman nito, huwag mo nang pag-isipan nang sobra-sobra kung ano'ng dapat mo'ng sabihin sa kanya. Lalo ka lang matatameme at lalo lang masasayang ang pagkakataon.

Kung hindi ka nasasaktan, hindi ka nagmamahal.

Ang mga techniques, skills, strategies o kung anuman ang gusto mo'ng tawag dito, ay gumagana lamang kung gusto mo na magkaroon ng instant connection sa opposite sex. Pero kapag "tinamaan" ka na ng matinding pana ni kupido, makakagawa ng iyong sariling creative ways para sa kanya.