Mayroong mga ‘once in a lifetime opportunity’ na dadating sa buhay natin para makipagkilala sa isang stranger na naka-attract sa atin. ‘Yung tipong sobrang lakas ng kabog ng dibdib mo at hindi ka mapakali dahil sobrang gusto mo siyang makilala. Kumbaga, sa unang tingin pa lang ay may spark na hindi mo maipaliwanag. Makikipagkilala ka lang naman. Kapag hindi mo ito sinunggaban, pwedeng hindi na ito maulit. At manghihinayang ka lang.
Kapag dumating ang pagkakataon na ‘yun, kausapin mo na! (Kung gusto mo ng tips and techniques para mawala ang kaba mo, click here). Walang mawawala. Hindi natin alam, baka ito na ang “simula” ulit.
Take it from me, kapatid. Ilang linggo akong hindi nakatulog kakaisip kay “Miss Tapsi”.
June 17, 2011, Friday, bandang 10:30pm-11:00pm nang una kong makita si Miss Tapsi. Kung familiar ka sa “Tapsi” (na kainan sa araw at inuman sa gabi) sa Asturias malapit sa UST, doon ko siya unang nakita. Alam mo na siguro kung bakit ‘yun ang bansag ko sa kanya. Kitang kita ko siya sa kabilang table. Halos magkaharap kami. Madami akong kasama, ganun din siya. Hindi ko mabilang kung ilang beses kaming nagkatitigan! Ang matindi, sampung segundo siguro kada titig. Minsan siya ang nauunang kumalas ng titig, minsan ako. Matagal ‘yun! Halos dalawang oras na puro ganoon lang. Halos dalawang oras na sobrang gustong gusto ko siyang lapitan at kausapin… pero hindi ko nagawa. Nang paalis na sila, nauna ang mga kasama niya at huminto siya sandali malapit sa akin habang nagtetext. Hindi ko man lang nakausap! Sayang ang pagkakataon. Sobrang sayang. By the way, naka uniform siya ng UST nang makita ko. AB din. Kaparehas ng college ko.
Naisip ko na bumalik sa lugar na iyon tuwing Friday. Baka kasi matyempuhan ko siya ulit. Kaya lang, nagkataon na kung hindi umuulan o bumabagyo noong mga sumunod na Biyernes, ay nasa ibang lugar naman ako para sa trabaho ko. Sa madaling salita, hindi na ako nakabalik ulit. Dahil diyan, ilang linggo din akong may LSS sa kanta ni Katy Perry at Timbaland na “If We Ever Meet Again”.
Buti na lang, nang minsang mapadaan ako ulit sa UST, may nakasalubong ako na namumukhaan ko na kasama ni Miss Tapsi noong unang nakita ko siya! Ngayon, nabigyan ako ng clue kung paano at anong araw ko siya makikita ulit.
Kung matutulungan mo ako na i-reblog ito, ngayon pa lang, sobrang nagpapasalamat na ako. Baka sa sakali lang na mabasa niya ito at ma-realize niya na siya ang tinutukoy ko. Gusto ko lang siyang makita ulit at makausap - bagay na hindi ko nagawa noong June 17, 2011.