Ang mga ubod ng ganda na babae (e.g. Sam Pinto o  Marian Rivera o Megan Fox na tipo), sanay na sila na nasasabihan o nakakarinig sila na ng compliment na ‘ang ganda nila’. Simula bata pa sila naririnig na nila ‘yun. Kapag sinabihan mo din siya ng ganun, kagaya ng mga ibang tao at lalaki na nagsasabi din sa kanila, dagdag points sa kanya. Pero sayo, wala. Dinagdagan mo lang ang ego niya. Talo ka niyan.

Kapag may sobran-ganda- na-ang-sarap-titigan-at-nakakabaliw na babae na nakilala mo o pinakilala sa’yo, HUWAG NA HUWAG mo siyang sasabihan na ang ganda niya. Hanggat maaari at maging observant ka sa kanya nang hindi niya nahahalata at pansinin mo ung mga flaws niya. Saka mo siya hiritan. Dapat pabiro, magalang at friendly yung tono ng pananaliita mo. Halimbawa, may nakita ka na - “Uy, meron ka palang flabs sa braso. Halata ‘pag kumakaway ka.” o kaya, “May mga kaunting wrinkles ka pala.” at kung anu-ano pa na mapapansin mo sa kanya.

Kung mayroon ka namang kaibigan na  sobran-ganda- na-ang-sarap-titigan-at-nakakabaliw na ang tagal ninyong hindi nagkita, at ngayon ay nagkita kayo ulit, ito ang pinakamatinding hirit, “Parang medyo nadagdagan ka ng timbang ngayon ah. Nagpapataba ka ba?” Karamihan ng mga magagandang babae, ayaw nilang tumaba.

Kapag nagsabi ka sa kanila ng kakaiba, eh di nag stand out ka. Hindi ka lang yung normal na lalaki na magsasabi ng, “Ang ganda mo naman.” At dahil nag stand out ka, mapapansin ka niya. At kapag napapansin ka niya, may posibilidad na magustuhan ka din niya.